alam mo ba yung feeling na marami kang gagawin pero tinatamad kang kumilos para matapos na ang lahat nang gagawin mo? sus! yun po ang aking kasalukuyang status.
masahol pa sa baradong lababo ang aking utak sa kakaisip kung ano ba ang uunahin kong tapusin. mag-praktis ba para sa micro-teaching ko? i-finalize ang module ko? tapusin ang portfolio ko? ano ba talaga?
aarrgghhh.. sabayan pa ng load sa opis... waaaahhh.....
minsan o kadalasan na ba? kinatutulugan ko na lang ang pagmumuni-muni kung ano ang uunahin ko...
sa awa ng Diyos, tapos ko na ang lesson plan na gagamitin ko para sa micro-teaching ko. ngayong gabi, aayusin ko na lang yung mga gagamitin ko for Saturday. yup! sa Sabadona sya...
tapos, i-finalize ko na ang module ko. oo nga pala, dapat ko palang i-meet ang klasmate ko para makipagpalitan ng module... kailangan kasi na i-evaluate niya ang module ko. ako rin ang mag-evaluate ng module niya. pero until now, di pa kami decided kung kailan kami magpapalitan. hehehe... tapos kailangan din palang i-testing ang module na iyon sa tatlong Grade 6 pupils.... hhhmm.. sa sabado na lang yan ng gabi.
Next ko na lang pag-igihan ang paggawa ng portfolio ko. Kung bakit ba naman kasi kailangang gawan ng reflection paper kada araw na mag-meet sa subject na iyon eh.
No comments:
Post a Comment